Bureau of Corrections

Republic of the Philippines

____________________________________________________________________

“Reforming Lives, Community Thrives”

Philippine Standard Time

Wednesday 5 October 2022

BuCor Nagsagawa ng MSEC Marathon

Asahan ang mga susunod pang magaganap na Culminating Activity dahil sa naganap na MSEC Marathon na nagsimula noong ika-5 ng Hulyo, 2022 at nagtapos noong ika-8 ng Hulyo, 2022.

Ang regular na pagpupulong ng MSEC members ay isinasagawa kada buwan na kung susumahin magkakaroon sila ng labindalawang session sa loob ng isang taon.

Dahil sa naganap na MSEC Marathon nitong nakaraang linggo, maaring makamit ng buong ahensya ang total target number na mapapalaya ngayong taon.Samantala, ang MSEC members ang siyang nag-eevaluate, nag- eexamine at nagsasagawa ng screening process ng mga qualified Persons Deprived of Liberty o PDL upang mapabilis ang computation ng Credit for Preventive Imprisonment (CPI) at ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) habang tinatapos nila ang kanilang sintensya sa ilalim ng naamyendahang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10592.

Ang Bureau of Corrections sa pamumuno ni Director General USEC GERALD Q BANTAG ay ginagawa ang lahat ng legal na paraan upang mapabilis ang paglaya ng mga kwalipikadong PDL.

“Reforming Lives, Community Thrives”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *