Bureau of Corrections

Republic of the Philippines

____________________________________________________________________

“Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas”

Philippine Standard Time

Thursday 26 December 2024

Paglulunsad ng Pambansang Bilihan sa Bilibid ng Muntinlupa

Muntinlupa City – Setyembre 08, 2023, ang Kadiwa Pop-up Store handog ng Bureau of Corrections at Department of Agriculture (DA) sa patnubay at suporta ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, FERDINAND “BONG-BONG” MARCOS JR, at Director General ng Bureau of Corrections (BuCor), GENERAL GREGORIO PIO P CATAPANG JR., AFP (Ret.) CESE, sa programang ito na itinatampok ang masaganang ani at nagbibigay ng mas murang produkto sa merkado.
 
Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Rev. Fr. Jesus Los Bañes Jr., NBP Chaplain, Moral and Spiritual Division. Samantala, pinangasiwahan naman ni CO1 Oniel Tagum ang nasabing programa at ipinakilala ang mga dumalong panauhin at ang madamdaming kuwento ng Kadiwa, ang misyon nito, at ang mga kalahok sa naturang programa.
 
Naganap ang inauguration at ribbon cutting ng Kadiwa Pop-up Store sa pagkukusang hindi lamang nagbibigay ng sariwang ani kundi nagtataguyod din ng diwa ng aktibong kalakalan ng bawat magsasaka sa bansa.
 
Sa kabilang dako, nagbahagi naman ng taos-pusong mensahe si MR. RUEL C GESMUNDO, Assistant Director for Regulatory ng Bureau of Plant Industry (BPI) bilang kinatawan nina MR. DOMINGO F. PANGANIBAN, Senior Undersecretary ng DA at DIRECT GLENN PANGANIBAN. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kooperasyong pang-agrikultura, na nagpapakita ng mabungang pagtutulungan ng pamahalaan at mga lokal na magsasaka. Ang puso ng Kadiwa Pop-up Store ay nakasalalay sa mga dedikadong indibidwal na magtataguyod nito.
 
Ilan sa mga kalahok na nag-alok ng kanilang sariling produkto ay ang, Rootcrop Growers ng Batangas Cooperative; San Jose Matulid United Farmers Association; Philippine Mushroom Society/Laptika; Manong Berts Sorbetes Ice Cream; Mama Agnes Enterprise; Mga Produktong Magnolia; Amarich International; Herbosido Herbal at Work and Livelihood Division ng BuCor. Naghandog naman ang BPI ng mga libreng pananim para sa mga residente ng NBP reservation.
 
Patunay na ang Kadiwa Pop-up Store ay higit pa sa isang pamilihan; ito ay simbolo ng pag-asa na magkaroon ng mas abot kayang presyo ng mga bilihin sa loob ng reserbasyon at merkado sa buong bansa. Tunay na ang pamahalaan ay patuloy na ginagawa ang kanilang adhikain na magkaroon ng progresibong landas patungo sa isang makabagong Pilipinas.
 
CO1 Marvin Carael
CO1 Roger Galwat Jr
 
“REFORM BUCOR”